Manila, Philippines- Biyernes, Abril 12,2019

Kasalukuyang nag sisimula na ang pag sho-shoot nila Kathryn Bernanrdo at Alden Richerds sa movie nila na pinamagatan na `Hello, Love, Goodbye` sa Hong Kong. Pinost ni Roxy Liquigfan ang behind-the-scenes na picture nila Kathryn at Alden na kung saan nag lalakad si Kathryn sa isang kalye sa Hong Kong habang nasa  mamilihan naman si Alden.

Marso 12 ng i-announce sa publiko sa unang pag kakataon mag tatambal ang dalawa sa isang palabas sa ilalim ng Star Cinema. Kamakalian lamang ay inilahad ni Kathryn na baka mag tagal sila sa Hong Kong para sa shoot ng nasabing pelikula.

Ani niya “May mga ipapagawa sila sa akin pagdating ko doon para medyo ma-familiarize. Hindi halatang parang inaarte ko lang lahat. Ipapa-feel nila talaga sa akin ‘yung pagiging independent. Kinausap nila si mama kung paano ako i-handle sa Hong Kong. Medyo kinakabahan ako pero it’s all for the character,”

“Halo halo ang nafi-feel ko kasi siyempre ang dami kong maiiwan dito. Ang dami kong mami-miss. Pero excited ako at the same time kasi medyo na-present na ‘yung final script namin. Excited ako maipakita ‘yung Hong Kong and ‘yung domestic helpers kung paano sila sa Hong Kong,” Dagdag pa nito.

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of