Nalungkot ang karamihan sa ipinahayag ng aktres na si Liza Soberano na hindi na nya ipagpatuloy ang pangganap sa karakter bilang superhero na ‘Darna’ dahil sa umano’y natamong injury sa kanang daliri ng aktres.

Kaya naman iba’t ibang opinyon na ng mga fans at netizens kung sino ang dapat gumanap na Pinay superhero na ‘Darna’.

Ilan sa mga netizens ay gumawa pa ng mga fan art ng kapamilya stars na swak daw sa iconic role na Darna.

Kasama na dito ang mga aktres na Sina Erich Gonzales, Nadine Lustre, Jessie Mendiola, Julia Montes, Maja Salvador, Bella Padilla, Arci Muñoz, Yassi Pressman at Sarah Geronimo. Habang ang ilan naman ay Miss Universe queens ang gustong gumanap sa karakter, gaya nalamang ni Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Ayon sa ABS-CBN at Star Cinema na tuloy pa rin ang pag hahanap nila ng aktres na babagay sa malaking proyekto.

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of