Manila – Philippines | Sunday, April 07, 2019.

       Isa si Angela Tungol sa mga swerteng nakapasok sa bahay ni Kuya kagabi! Pero kilalanin natin siya!

        Si Angela Tungol ay ang hataw hottie ng Bataan! Siya ay 17 anyos at ang bunso sa tatlong magkakapatid. Ginawa niyang instrumento ang pagsasayaw para mapakita sa buong mundo kung ano ang kaya niyang gawin. Giniwa niya rin itong puhunan sa pagtulong sa kanyang pamilya nung nagkaroon sila ng financial na problema.

Gagawin niya lahat upang maka tulong sa kanyang pinakamamahal na pamilya. Ang payo ni Angela sa kapwang kabataan ay “Gusto ko pong bigyan ng inspirasyon ang ating mga kabataan na kuing may talent po sila ay wag nila po itong ikakahiya dahil ito po ang magdadala sa kanila patungo sa kanilang pangarap.”

Makikita sa mukha ni Angela na siya ay pursigido sa kanyang inaasam sa buhay. Makikita rin nung una niyang live sa tv tila siya ay kinabahan ngunit masaya parin at may biniling payo ang kanyang Mom sa kanya ay “Angela this is it! Lahat ng prayers mo pinakinggan na ni Lord, galingan mo at paghandaan lahat ng challenges ni Kuya alam kong kayang kaya mo iyun, we love you!”. Noong nasa isla sila para sa mga bagong hamon ni Kuya ay nagkapagkwento siya tungkol sa kanyang pamilya. 

Isa isa kanila ay may mga nakatakdang kahon, at sa luob ng kahon ay merong gold na necklace na dapat ibibigay sa kanyang debut pero binigay in advance para meron siyang maisuot. Mahilig sila sa gold na necklace, at kung may pinansyal sila na problema iyun ang kanilang sagot sa kanilang problema.  Umiiyak si Angela habang nagkwekwento at nagbigay rin ng kaunting payo sa kapwang housemates niya, “Malaking tulong kapag close talaga kayo sa family, maging open kayo sakanila, sila talaga yung maasahan niyo. Yung friend pwede kang iwan anytime, but yung family niyo magststay yan.”

Ano kaya ang mangyayari kay Angela sa luob ng bahay ni Kuya? ABANGAN!

To know more about Angela Tungol and the rest of the housemates, like our page on Facebook!

https://www.facebook.com/bitter.panic/

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of