Manila, Philippines- Marami ang napapasaya at napapakilig ng Pinoy Big Brother Otso Housemates na sina Lou Yanong at Andre Brouillette o mas kilala ng kanilang mga fans bilang LouDre. Wala pa mang kumpirmasyon kung ano ang status ng relationship ng dalawa ay madaming beses ng napanood ang kanilang mga ginagawang kasweetan sa loob ng bahay ni kuya na siyang kinakikiligan ng maraming taga-subaybay ng PBB Otso.


Ngunit ngayong linggo mapapansin ang sobrang ka-sweetan ng LouDre na napansin ng ilan sa kanilang mga tagahanga dahil nga wala pang kumpirmasyon kung ano ang kanilang totoong relasyon ay madami ang nagtataka sa kilos ng dalawa.

Kung gaano man kadami ang mga bumabatikos sa LouDre sana ay patuloy pa din silang suportahan ng kani-kanilang mga fans. Abangan natin ang mga susunod pang mangyayari sa loob ng bahay ni kuya sa nalalapit nitong pagtatapos!

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of