Manila, Philippines- Marami ang nagulat ng aminin ni Maine Mendoza aka Yaya Dub na “officially dating” na sila ng actor na si Arjo Atayde. Marami ang natuwa at nahanap na ni Maine ang kaniyang kaligayan ngunit dahil sa madami ang sumubaybay sa tambalang AlDub sa TV show na Eat bulaga ay madami ang hindi maiwasang magalit at magtampo kay Maine dahil si Alden Richards ang kanilang nais para kay Maine.

Matatandaang nakaraang taon pa namumuo ang spekulasyon na nagda-date si Maine at Arjo pero nanatiling tahimik ang dalawa ngunit nitong Enero ay ikinumpirma ni Arjo na exclusively dating na sila ng actress. Matapos neto ay ayon kay Maine ay iba’t-iba ang naging komento ng kanyang mga fans sa kanya pati na rin kay Arjo na nakaranas ng mga pam-babash mula sa taga-supporta ng AlDub. Dagdag pa ni Maine ay si Arjo ang nagpapasaya sa kanya ngayon at siya pa lamang din ang unang lalaking ipinakilala ni Maine sa kanyang mga magulang.

Humingi ng paumanhin ang dalaga matapos ang kanyang pagkumpirma sa kanilang relasyon dahil ika niya ayaw niyang mabuhay gaya ng isang fictional character dahil gusto niyang mabuhay sa totoong siya. Hindi natin maipagkakaila na malaki talaga ang paniniwala ng mga Pilipino sa mga loveteams dito sa Pilipinas ngunit huwag sana nating kakalimutang sila ay tao din at may sariling isip kung sino ang kanilang mamahalin. Ika nga ni Maine maikli lang ang buhay kaya sana ay maging masaya na lamang tayo para sa kanila!

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of