Parang walang katapusan ang pag-sasamahang ilang taon din pinagtibay ng cast ng Pilikulang Avengers ang kanilang pagkakaibigan kaya naman upang ganap na walang hanggan ito, alam nyo ba na si Robert Downey Jr ., Chris Evans , Jeremy Renner , Chris Hemsworth , at maging Scarlett Johansson ay nagpalagay ng tatto na magkakaparehas.?

Para sa kaalaman ng lahat matapos ang premiere ng Avengers Infinity War nagpatattoo ang mga actors sa isang New York Base na tattoo artist na nag ngangalang Joshu Lord.

Ipinakita naman ni Robert Fowney , na gumanap bilanh Iron Man sa Marvel Cinematic Universe ang kanyanh karanasan sa pagtatattoo . Ang nasabing tattoo ay nagtatampok ng line art na pinagsasama ang Avengers “A” na logo na may numero na anim na kubg saan ay nagpapahiwatig ng anim na orihinal na Avengers: Iron Man, Captain America, Black Widow, Thor, Hawkeye, at The Hulk.

At kung nagtataka kayo kung bakit wala si Hulk, kama kailan lamang ay ibinunyag ni Scarlet ang dahilan kung bakit wala si Mark, umatras daw di umano si mark sa pagtatatto dahil sa takot.

May ilan nmn sa mga Fans ang nagbigay kahulugan sa nasabing tattoo ng mga sikat na hollywood actors.

 

at marami pa rin sa ating mga kapwa Pilipino ang patuloy nasumusubay-bay sa mga susunod pang kabanata ng Pelikulang Avengers. Isa ka ba sa kanila?

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of