Manila, Philippines| Biyernes, Abril 12, 2019

Tuloy parin ang pag hahanap kay Dana Lou Ebid, 23 anyos na dalaga dahil hindi pa rin ito nakaka uwi sa kanilang bahay isang araw bago ang kanilang graduation. Humihingi ang pamilya ni Dana na sana`y  matulungan sila sapag hahanap dito.

Noong Miyerkoles, nahuli raw sapag uwi ang kaniyang anak sa kanilang bahay sa Makati City, Ayon sa inang si Jocelyn. Nag paalam raw ang dalaga na pupunta sa bahay ng nobyo dahiul naiwan raw ang kaniyang cellphone.

Kampante ang ina ni Dana nang hindi ito naka uwi sa kanilang bahay dahil madalas raw itong natutulog sa bahay ng nobyo. Nang kinaumagahan ay parehong nag gulat ang kasintahan at ina ni Dana dahil sa mensahe na pinadala nito.

Sabi ng ina ni Dana “Nung umaga, tumawag ang boyfriend hinahanap si Dana Lou, tapos may pinakitang text, sabi may nararamdamang kakaiba,”

Kahapon ang araw n g graduation ni Dana ngunit walang Dana na sumulpot.

Isa sa mga naisip na dahilan ng pamilya ay nag layas lamang si Dana dahil posibleng hindi ito naka graduate, kagaya nung isang taon.

Ayon sa tiyahin na si Jonelyn “Last year kasi, ‘di naka-graduate dahil sa kulang na units na ‘di napasukan. Disappointed kami. Ngayong taon, alam namin na ga-graduate siya. Alam din niya na ga-graduate siya. Kung graduate siya okay, kung hindi basta safe siya, basta umuwi siya,”

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of