Manila,Philippines

   Hindi lingid sa kaalaman ng nakakarami ang umuusbong na tambalan ng “Amazing Alo-Hunk ng Hawaii” na si Andre Brouillette at “Rampa Sister ng Mandaluyong” na si Lou Yanong sa loob ng Bahay ni Kuya. Marami ang humahanaga sa kanilang tambalan na siya talagang nakapag-pakilig ng maraming manunuod ng PBB Otso o mas kilala bilang PBB Otso. Kung inyong mapapanuod ang mga tagpuan sa loob ng Bahay ni Kuya ay mapapansin na kakaibang tinginan ng dalawa na siyang napansin din ng kapwa housmates. Kung inyong maaalala bago pa man ang tambalang LouDre ay nagkaroon na din ng matamis na pagtitinginan sina Andre at Abi Kassem ang “Kolehiyala Cutie ng Isabela” na hindi rin nagtagal dahil mayroong kasitahan si Abi bago pa siya pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya.

 Madami ang tumangkilik sa tambalang LouDre bago pa man isiwalat ng  dalawa ang kanilang tunay na nararamdaman para sa isa’t isa na naganap lamang noong nagkaroon ang dalawa ng pagkakataong mag-date sa loob ng BNK sa tulong ng kanilang kapwa housemates. Dito sinabi ni Andre kay Lou ang totoo niyang nararamdaman bagaman nag-aalangan noong una ang dalagang sagutin ang sinabi ng binata ay kalaunan kinumpirma niya rin na pareho sila ng nararamdaman na mas lalong kinadami ng kanilang mga taga-suporta.

 Nagpatuloy ang pagpapakilig ng dalawa sa mga nanunuod ng PBB Otso habang tumatagal ngunit maraming taga-tangkilik ang nagduda sa kanilang relasyon ng nag-bigay ng opinyon ang kakalabas lamang na housemates na sina Mitch at Wakim tungkol sa kung ano nga ba talaga ang relasyon ng dalawa.

“Feeling ko lang kasi yung feelings niya kay Lou hindi pa ganoon ka-sure talaga” ayon kay Mitch.

Mas lalong naintriga ang host sa pagpapatuloy ng kwentwo ni Mitch dahil sa kanyang komento na parang ginagamit lamang ni Andre si Lou para manatili sa loob ng Bahay ni Kuya. Lalong pinagtibay ni Wakim ang spekulasyon na hindi totoo ang pag-amin ni Andre kay Lou ng ikwenento ni Wakim na sinabi sa kanya ni Andre bago ang naturang date ng LouDre na wala itong nararamdamang koneksyon para kay Lou. Ayon din kay Wakim na hindi nagsasabi si Andre ng totoo dahil sa pabago-bago ang kanyang sinasabi kung sino ba talaga ang kanyang gusto.

Kung ano man ang katotohanan sa relasyon ng LouDre ay walang nakakaalam hanggat walang kumpirmasyon mula sa dalawa ay mananatili itong haka-haka kaya patuloy na subaybayan ang kanilang tambalan sa PBB Otso.

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of