Manila, Philippines- April 10,2019
Noong Abril 8, isang lalaki na umano’y bugaw ng mga batang lalaki.
Nahuli si Kristoffer Lee Sacramento sa isang coffee shop ng operatiba ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) dahil may dala itong 3 kabataan na edad 12 hanggang 14 upang ipakita sa nag panggap na kostumer na kasama pala ng operatiba.
Ayon kay Police Col. Sheila Portento, hepe ng Anti-Trafficking in Persons Division ng PNP-WCPC mayroon daw si Sacramento na website kung saan kumukuha ito ng mga batang lalaki na model at binubugaw niya sa kanyang mga kliyente.
Nahuli naman ang suspek sa cybersex na 22 anyos na si Bob John Cruz sa Dasmariñas, Cavite noong lunes sa tulong ng Australian Federal Police.
Maraming kaso ang kinakaharap ngayon ng mga suspek.
Humihingi ng kooperasyon ang PNP-WCPC sa lahat na maaari nilang ireport sa kanila kung mayroon silang alam na impormasyon sa aktibidad ng prostitusyon sa komunidad.

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of