Manila, Philippines- Lunes| Abril 15, 2019

 

Sabado ng hapon natagpuan ng mga pulisya ang katawan ng isang babae na wala ng buhay matapos umanong pag sasaksakin ito ng kinakasama sa Naga City.

 

Natagpuan na may duguan at wala ng buhay ang 45 anyos na biktima sa kanilang bahay.

 

Sa Naga Police Office dumulog ang 15 anyos na anak ng biktima na nasaksihan ang pananakit ng suspek sa biktima.

 

Bukod doon, ay sinasaktan din siya at minolestya umano ng suspek.

 

Ayon kay Police Major Joey Corre, commander ng Naga City, “Noong narinig na may komosyon, sumilip siya sa kuwarto. ‘Yon pala pinag-uumpog na ‘yong nanay niya sa pader,”

 

Ayon pa sa pulisya ay dati nang may kasong Anti-Violence Against Women and Their Children Act ang suspek matapos itakas ang menor de edad na pamangkin ng biktima. Pinayansahan umano ito ng biktima para maka laya.

 

Matinding away at selos ang nakikitnag motibo ng mga pulisya sa pag patay nito sa biktima.

 

Kasalukuyang pinag hahanap parin ang suspek.

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of