Manila, Philippines| Sabado, Abril 13, 2019

Marami ang natuwa sa larawang nag viral kamakailan lang sa Social media kung saan naka suot ng Superman a t-shirt ang tatay habang akay akay ang kaniyang anak na grumaduate.

Mahigit 2 oras ang lalakbayin, makarating lang sa Sitio Tatlong Pulo, kung saan nakatira ang mga katutubong mangyan kabila na ang nag viral na tatay sa Social Media na si Tatay Bernie Solingyan, 48 anyos.

Dahil walang TV si Bernie, hindi niya alam kung ano yung naka lagay na logo sa damit niya. Ayon sa kanya “ ipinag palit sa kamote, isang plastic lang, Nagandahan ako kaya sinuot ko na”. Hindi man kilala ni Bernie si Superman sya naman ang superman sa kanilang pamilya.

Ang lakas niya ay ginagamit niya upang buhatin ang mga inaning pagkain. Ano mang oras ay handa raw siyang itaguyod at protektahan ang kaniyang pamilya. Hindi lang sa pamilya nya binubuhos ang kanyang lakas kundi na rin sa kanilang komunidad.

Kung may kryptonite kahinaan  an gating `Super tatay` yun ay ang iniinda niyang karamdaman. “ Ako`y hinahapo sa nasakit yung mga kasukasuan. Kapag nirarayuma ako, hindi na ako makaalis ng bahay. Nag papahinga na lang.”

Ayon sa kumuha ng larawan. “ Gusto ko lang ma-inspire yung anak ko, maipakita sa kanila na yung ibang bata nag aaral walang wala sila. Hindi importante kung anong meron ka, ang importante ay masuportahan ang anak sa anumang pag kakataon lalo na sa pag aaral”.

Ang mensahe naman nito para kay tatay Bernie “ Tatay Bernie, nakakataba po ng puso ang inyong pag gabay at pag alalay sa inyong anak para lamang sa paaralan”

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of