Manila,Philippines- Habang seryosong nag-uusap ang mga housemates tungkol sa parating task na ibinigay ni Kuya, bumisita ang 2018’s Pilipinas Got Talent Winner na si Kristel de Catalina upang sila ay tulungan sa kani-kanilang performances. Sumabak ang mga housemates sa puspusang warm ups na kung inyong mapapanood ay makikitang talagang na-enjoy ng mga housemates. Matapos ang kanilang warm ups ay pinakita din ng mga housemates ang kani-kanilang nabuong steps kay Kristel. Kung inyong matatandaan si Kristel de Catalina ay ang ika-anim na kampeon ng PGT dahil sa kanyang spiral pole performance noong April 29, 2018.[embedyt] https://www.youtube.com/watch?v=5aS-3ChCuko[/embedyt]

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of