Manila, Philippines- Pinag hahanap pa ngayong ng mga pulisya ang isang 69-anyos na lay minister sa Quiapo Church na nakunan daw ng video na may ginagawang kahalayan sa isang batang babae at sa pampublikong lugar pa ito ginawa.

Hawak na ng pulisya ang orihinal na kopya ng video kung saan makikita ang ginawa umanong pangaabuso sa menor de edad na babae.Ani nila ay malinaw daw na may pang aabusong sekswal na naganap sa menor de edad na babae. Ayon sa kumuha ng video tumagal raw ang pamomolestya sa bata ng ilang minuto.

Kasama ng 12 anyos na babae ang kanyang lola ng mag pahayag sa mga pulisya.

Kinilala ang suspek bilang si Victorino Abot Jongco, 69, na isang lay minister ng Quiapo Church. Natunton ng mga awtordidad nitong Biyernes ang 12-anyos na dalagita na nakilala ng ilang mga tauhan ng Quiapo Church.

Ayon sa dalagita hindi raw baba ng 3 beses ang nangyaring insedente. dahil minor de edad ay kasalukuyang itong nasa kostodiya ng DSWD.

“Iniwan kasi siya ng lola niya sa simbahan tapos maglalaba, so naging familiar na sa kanya ang mga tao sa simbahan,” paliwanag ni Manila Police District (MPD) Quiapo station commander Police Major Melvin Florida.

Para sa iba pang impormasyon, maari lamang i-click ang link sa ibaba.

https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/690411/lay-minister-ng-quiapo-church-nang-molestiya-daw-ng-bata-sa-pampublikong-lugar/story/

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of