Manila, Philippines- April 10, 2019

Patay dahil sa saksak ang kaibigan at dating road manager at ng Kapamilya singer na si Darren Espanto nuong Lunes ng umaga.

Si Camencita ang dating road manager ni Darren Espanto. Ayon sa ulat, Nag punta ang sila Karwin Guevarra at Carmencita Pelayo sa Pampanga upang kitain ang kaibigan nila na tinuturing na suspek na si alyas ‘Regine’.

Ayon sa asawa ni Pelayo na si Mark John Hernandez “May kukunin silang pera. Bali yung bank account nung dalawa doon ipapasok yung pera, ‘yun yung sinabi ng asawa ko”.

Natangpuan ang bangkay ng dalawa na puro saksak at may hampas pa sa ulo sa mismong bahay ng biktima na si Guevarra sa Brgy Tabun.

Utang umano ang tinitinginan sanhi sa pagpatay sa dalawa ng hinihinilang suspek na si ‘Regine’. Sya lang rin ang buhay sa kanilang tatlo.

“Tingnan niyo ‘yan, kalakas. Kung may saksak ‘yan makakalakad ng ganyan? ‘Yung anak namin ‘di mo matitingnan talaga” apila ng ama ni Pelayo.

Si ‘Regine’ ay sasampahan ng kasong double murder.

“I still couldn’t believe the news of your passing, ate Karen. Nanginginig ako hanggang ngayon kasi ‘di ako makapaniwala sa nabalitaan ko. Actually, ayaw ko maniwala sa totoo lang. Sobra kasing masakit. Napakabuti mong tao” Post ni Darren Espanto sa kanyang Instagram post. “You are family to us… You will forever be my “Ate Karen.”

I will keep all the memories that we had through the good times and the bad and I will always remember the things you’ve taught me in the past. I love you so much and I’ll keep you close to me heart always” dagdag pa ng binata.

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of