Manila, Philippines- Kakatapos lang ng laban na naganap sa pagitan nila Andre, Lou at Yamyam kung saan sila ay nasa isang pool at ang task ay hindi lumubog ang kanilang bangkang sinasakyan kung saan ay mayroong iba’t-ibang rules si Kuya sa bawat minutong nagdaan.

Unang lumubog ang bangka ni Andre na siyang ikinagulat ng lahat dahil sa determinasyong kanyang ipinakita sa simula ng laban. Matapos matanggal si Andre ay may lalong tumindi ang laban lalo pa at isang kamay nalang ang gamit nina Lou at Yamyam para matanggal ang tubig sa bangka. Matapos ang ilang minuto ay lumubog naman ang bangka ni Lou kung kayat napaiyak na si Yamyam. Sa huli ay pinakuha na Kuya at ibinigay kay Yamyam ang Gintong medalya na sumisimbolo na siya ay pasok na sa Big Four! Sino kaya ang susunod na makakapasok sa Big Four? Abangan!

Panoorin ang naging paghaharap:

https://youtu.be/PUtFpTdce9o

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of